Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa kamalayan sa heograpiya , kasaysayan, kultura, lipunan, pamahalaan at ekonomiya ng mga bansa sa rehiyon tungo sa pagbubuo ng pagkakakilanlang Asyano at magkakatuwang na pag-unlad at pagharap sa mga hamon ng Asya.
Naipamamalas ang malalim na pag-unawa sa mga pangunahing kaisipan at napapanahong isyu sa ekonomiks at pambansang pag-unlad gamit ang mga kasanayan at pagpapahalaga ng mga disiplinang panlipunan tungo sa paghubog ng mamamayang mapanuri, mapagnilay, makakalikasan, produktibo, at makataong mamamayan ng bansa at daigdig.
Naglalaman ng mga kagamitang multimedia tulad ng mga imahe, bidyo at iba pa na makatutulong sa mga mag-aaral sa malalim na pag-unawa sa mga aralin.
Naipamamalas ang mga kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng datos at iba’t ibang sanggunian, pagsasaliksik, mapanuring pag-iisip, mabisang komunikasyon, at pag-unawa sa kasaysayan, politika, ekonomiya, kultura, at lipunan ng Daigdig mula sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.
Naipamamalas ang malalim na pag-unawa sa mga isyu at hamong pangkapaligiran, pang-ekonomiya, pampulitika, karapatang pantao, pang-edukasyon, at pananagutang pansibiko na kinahaharap ng mga bansa sa kasalukuyan, gamit ang mga kasanayan sa pagsisiyasat, pananaliksik, mapanuring pag-iisip, at matalinong pagpapasya.
Naglalaman ng mga karagdagang kaalaman na makatutulong para mas lalong mapaunlad at mapalawak ang kanilang kritikal na pag-iisip sa mga natatanging lathalain na may kaugnayan sa Araling Panlipunan.